9
(1 votes)
| Rating | Rated by |  | | 9 | clee | |
You must login to vote
|
|
|
Nang dahil sa pag-ibig
ikaw ay aking lilinlangin,
sapagkat pangarap kitang makaniig
sa ibabaw ng bundok sa piling ng mga ulap.
Kapag iyong natuklasan,
kaawa-awa ako sa aking sarili,
sa’yo’y hindi – sapagkat pagkamuhi
iyong ipapataw sa akin: katawan ko’y
gugulong-gulong pababa ng bangin,
sa isang pitik ng ‘yong daliri
ako’y tunay na patay.
Paalam, paalam pala
ang nasa dulo nito.
Alam ko naman ang wakas
bakit ninais ko pang ikaw ay mahalin?
------ *************************************
crystal face I kiss
tongue tastes like sweet cold rain
I fall into pond
|